Napakagandang araw. Napakagandang komunidad. 🇵🇭
Ang kauna-unahang Axis Robotics Philippines Community Meetup ay hindi lang basta isang event ito ang simula ng isang mas malaking komunidad na Sama samang naniniwala sa kinabukasan ng Physical AI.
Pagkabukas pa lang ng venue, ramdam na agad ang mataas na enerhiya ng mahigit 50 attendees. Ang mga dating hindi magkakakilala ay naging magkakampi, ang mga magkakampi ay naging magkakaibigan, at iisa ang layunin ng lahat ang maging bahagi sa pagbuo ng hinaharap ng Physical AI.
Maraming salamat sa ating CMO,
@0xsexybanana , sa pagbabahagi ng mga pinakabagong updates tungkol sa Axis at sa pagbibigay ng malinaw na pananaw sa mga susunod na hakbang ng proyekto.
Malaking pasasalamat din kina
@cryptitaplays ,
@jcdtorre14 ,
@masterkamote_, at
@yggpilipinas sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman, karanasan, at mga ideyang nagbigay ng mas makabuluhang talakayan sa buong komunidad.
Isa sa mga pinaka highlight ng meetup ay ang PvP Robot Simulation Battles. Masayang makita ang lahat na nagsisigawan, nagtatawanan, at nagtutulungan habang pinapanood ang bawat laban. Bawat panalo ay sabay-sabay na ipinagdiriwang, at bawat isa ay handang tumulong para mas maunawaan at mas ma-enjoy ang simulation.
Doon namin muling napatunayan na ang Axis ay hindi lang tungkol sa pag train ng mga robot. Ito ay tungkol sa pagbuo ng isang komunidad ng mga taong nagtutulungan upang hubugin ang kinabukasan ng Robotics isang task, isang kontribusyon, at isang hakbang sa bawat pagkakataon.
Sa lahat ng dumalo, nakilahok, nagtanong, nagbahagi ng kanilang mga ideya, at nagdala ng napakagandang enerhiya sa event maraming maraming salamat. Kayo ang dahilan kung bakit naging tunay na espesyal at hindi malilimutan ang meetup na ito.
Unang meetup pa lamang ito, pero malinaw na mas malaki na ang nabuo natin kaysa sa isang simpleng event.
Nakabuo tayo ng isang tunay na komunidad.
Magkita-kita tayong muli sa susunod na Axis Robotics Philippines Community Meetup. Nagsisimula pa lamang ang ating paglalakbay sa mundo ng Physical AI. 🚀🇵🇭
#AxisRobotics #AxisRoboticsPH